Friday, November 15, 2013

[ANNOUNCEMENT] The Despicable Guy Book 1 Giveaway!

At last!
Dapat last month pa 'tong giveaway na 'to, kaso ngayon ko lang nakuha ang copies ko. Anyway, this is it!
I'll be giving away 5 signed copies of The Despicable Guy Book 1!
TDG Book cover
From November 16 to November 23 ang giveaway period.
I'm afraid I cannot accommodate international entries because of the shipping fee. Pero kung may relatives kayo dito at gusto niyo ng copy, I could send it to them and kayo na lang bahala sa arrangements sa shipment to your country.
Please provide a working e-mail address since doon ko po icocontact ang winners.
Sa Shirlengtearjerky Stories FB page and dito sa Blogspot ko ipopost ang winners!
Goodluck, guys! <3

Friday, July 19, 2013

IF I FALL BOOK ORDER ANNOUNCEMENT!

As of now, August 28 2013, hindi po muna ako tumatanggap ng orders for If I Fall book. Inaayos ko po kasi ngayon ang orders for Batch 1 kaya hindi ko maaccommodate ang orders niyo.

MID-SEPTEMBER PO AKO ULIT TATANGGAP NG ORDERS. Please wait for further announcements.

- Leng de Chavez / Shirlengtearjerky

Tuesday, February 19, 2013

Reaction: If I Fall Movie ♥




(Disclaimer: Kung finafollow niyo ako sa private Twitter acct ko at nabasa niyo ang live tweets ko while watching the movie last Sunday, may continuation pa yun.:P

At para sa hindi, welcome to hell =))

Mahaba 'to promise.

Again, stop reading here kung di nyo pa napapanood at kung di niyo pa nababasa ang If I Fall. Ayaw mo namang ma-spoil, diba? :P)

**

Ano bang sasabihin ko? Hm.


If I Fall ang pinakapaborito kong story na nasulat ko EVER (Sorry sa may fave sa TDG. Talagang biased ako sa IIF :P). Nung una nga muntikan ko nang burahin 'yon sa Wattpad, around November 2011 kasi walang nagbabasa, at tutok ang lahat sa TDG. Ganun naman talaga ang kalakaran sa WP, yung sikat muna babasahin bago yung iba.

Special sakin ang If I Fall. Eto kasi ang version ko ng buhay high school ko. Puro "what ifs" at "what could have beens" yan. Majority sa characters ay based sa mga totoong tao na pinaghalu-halo ko para hindi nila mahalatang sila ang basis ko. At eto ang aking IV-Archimedes, ang pinakamamahal kong IV-Einstein 2009-2010 :) Tapos nasa collage na 'to ang totoong "characters" ng If I Fall, hulaan niyo na lang kung sinu-sino kami dyan. Oops, there's me XD



Kaya nung nagPM sakin si Jessa nung Dec 11, 2012 (talagang hinalungkat ko pa ang FB inbox ko hahaha) para magpaalam na gagawan nila 'to ng movie, um-okay lang ako. May ilan na rin kasing nagpaalam sakin na gagawan ng short film ang stories ko kaso ewan ko na kung anong nangyari. Go lang ako.

Kaso naman, deins ko inexpect na kasama 'to sa film fest nila sa Cinemascian (Am i correct?)! Akala ko presentation lang, yun pala short film!! Kinabahan naman ako nang bongga! Bakit? Ewan ko. Sobrang protective lang talaga ako sa story na yun, after all based siya sa personal ko at namin. Todo tweet at share ako ng poster for the movie kahit nacoconscious ako. Hahahaha separation anxiety ang peg? :P

The truth is, takot akong panoorin yung movie. At first. Ever since Day 1 sanay ako na kami lang (Einstein) ang nagpoportray ng If I Fall.. sa utak ko (Di alam ng friends ko na ginawa ko silang characters, until lumabas 'tong movie hahaha). I was scared na baka di ko magustuhan or something (Sorry guys! Paranoid lang!). Tapos alam kong mataas ang expectations ng ibang readers sa movie. Gets ko naman yun. Ganyan din ako nung narinig kong gagawan ng movie ang Nick & Norah's Infinite Playlist (na eventually hindi ko nagustuhan. Sorry naman!). Protective lang ako sa "baby" ko. Nuxx meganto? :)

Saturday ata nung naupload yung movie sa Youtube? Basta nagulat na lang ako sa mentions ko sa Twitter na napanood nila yung movie. Leche, mas kinabahan ako. Napanood ko naman yung trailer, at naexcite ako. Kaso gaaahh.. yun na eh. Full movie na. Kalurks lang kaya! Sa katunayan, mas nauna pa ngang panoorin ng mga kabarkada ko yung movie kesa sakin, at di pa nila nababasa ang story. Mas naparanoid naman ako nun dibaaaa. Imagine nasa UST ako, kinakabahan sa interview w/ Eros Atalia tapos may mababasa akong "Nakakamiss magbasa ng If I Fall! Galing ng movie" tweets. Ako naman, what the fuck's happening? Napatitig na lang tuloy ako sa statwa ni Piolo sa may lib. Awkwaaaaaaard.

Sige na, haba ng intro ko. Sorry ang daldal ko sa pagtatype. Eto na talaga reactions ko. Wait lang, don't expect too much. Kakupalan and kawarlahan lang 'to. I'll try to be sensible.. try lang XD

**

I won't go to the technical stuff, the angles, editing and all. Mahirap naman kasing gumawa ng movie in a short span of time. Nung 4th year HS ako I wrote a script and directed our movie project, and imagine nagsulat ako ng horror. Yuck. Mahirap, as in. Yung iba siguro sa inyo naranasan naman yun, kalurks diba? Anyway, medyo nabother lang ako sa ilang transitions kasi naguluhan ako the first time I watched it (as of this time I've watched the film thrice. Panghanda dito sa review ;P). And also, sana hindi dubbed yung ibang parts. Tho gets ko yung purpose kasi nga mahirap magshoot lalo na kung di professional camera ang gamit, and the whole movie was shot from a single angle lang (tama ba? Hahaha) so expected na medyo fucked up ang audio. Di lang kasi sakto yung ibang sinasabi sa dub dun sa buka ng bibig. Nako naman Leng, pati ba naman yun. Sorry ha, dami kong sinabi XD

PERO PEG NA PEG KO YUNG BOSES NI CYRUS!! PANG-DJ ANG BOSES MO KOYA!! HAHAHAHA! Hindi naman siya yung as in naiimagine kong boses ni Cy sa utak ko, medyo kaboses niya si Lean for me. Lels XD

Sa adaptation ng story.. kung hindi mo pa nababasa ang kwento at pinanood mo 'tong movie, wala kang maiintindihan. Di mo magegets kung bakit ganun ang nangyari, and of course the ending. Nabasa ko naman ang disclaimer nung director at naintindihan ko naman yun. Sa mga naghahanap ng ibang scenes, hello 75 chapters po yun, di lahat ng gusto malalagay! (di ako galit ah) Okay lang naman na nagoverlap ang scenes, tho nagulat ako dun sa "Ma'am ang ganda niyo po ngayon, Ma'am", biglang sumulpot dun. Ang pagkasyahin ang 75chapters sa loob ng 56 minutes na hindi mawawala yung essence ng story, mahirap yun. Ayon nga sa disclaimer nila, they tried to be faithful sa story. Kanya-kanya lang naman tayo ng adaptation sa kwento, and for me, okay sakin ang pagkakaadapt ng story. Tho.. I think may ilan na nakulangan (kulit ko sabi ngang may limit yung movie!!) sa exposure ng Vean, okay lang sakin. Kasi kung babasahin niyo naman yung story, di naman sila as in namemention dun, sa latter part lang talaga napagtuunan ng pansin. Sa part nina Seth at Barbs, sabi ng friend ko, sana pinakita yung sa Values Activity (yung scene sa bookstore) para may "light" yung story. Then again, time limit. Kaya sabi ko sa friend ko "E di ikaw gumawa ng sarili mong version!!" hahaha nang-away pa? XD


Casting! (Talagang meganto! Bwahahaha!!) Syempre, una kong napansin si Panot. At di siya panot sa film. Imbis na magulat natawa na lang ako. May nabasa kasi akong isang tweet na "Ay ba't di panot si Panot?" Gusto ko sanang kupalin, san ka makakahanap na napapanot na HS student? Tignan nyo yung collage sa taas, andun yung totoong "Panot". Hahahah :D Si Liam din, ang laki! Mahirap nga namang magcast, and I think within the section lang ang actors? Am I right?

Okay eto na.


Wala naman akong reklamo sa casting. Napaliwanag naman ni Direk yung process sa disclaimer nila. Actually, natutuwa nga ako :D

Yung kay Wes muna, since mabenta sa viewers si Karl Eugenio (Hi Kuya, nilaglag ng classmates mo sa Twitter ang name mo. Di ako stalker ah hahaha!). GRABE TAWANG-TAWA AKO SA'YO! AS IN!! KAMUKHA MO YUNG CRUSH KONG SI GINO QUILLAMOR!!! HAHAHHAAH! Srsly, nakakatuwa ka, mej conyo ka ata (sorry hahaha dami kong alam). Tho for me ikaw ang "mabait" na version ni Wes, oks ka lang. Alam mo bang iyak ako nang iyak sa time capsule scene mo? Seryoso ako dyan. Hirap isulat nung scene na yun (tho si Xian Lim talaga ang naiisip ko while writing), and you gave justice to that. Naks namaaaan dami kong alam!!

Kay partner tayo ni Wes, si Rachel. Uy teh!! Kitang-kita ko sa'yo yung basis ko for Rocky!! (HAHAHAHA SHET WAIT ANO RAW. AHEM AHEM SINO NGA BA YUN?) Parehas kayo ng tindig and reactions!! Hahahaha!! Shet. Natatawa nako sa pinagtatype ko XD

Seriously, etong Wesky, peg ko 'to. Naalala ko yung couple na pinagbasehan ko sa dalawang gumanap. HAHAHAHA ang awkward, I'm referring to myself in third person (ano raw? Haha.) Sabi ng friend ko, "lakas ng chemistry nila! sa kanila talaga ako naiyak at kinilig sa last part!" OHA OHA OHAAAA! DI LANG SIYA NAGSASABI NYAN! MAY IBA RIN! CUTE NIYO TOGETHER! Nang-asar pa e noh? XD


Eto kay Janine tayo. Grabe Jessa, ang benta mo sakin! Kaboses mo si 9 sa utak ko srsly! Tsaka yung time capsule scene mo.. imba, paiyak ka na ba yun? Feel ko paiyak ka na kaya ako tong si shunga napaiyak lalo. Haha! Sabi ni Bee (yung basis ko kay 9), kuha mo raw yung kaartehan niya, at mej nakita nya yung sarili niya sa portrayal mo kay Janine (pasensya kulang sa vitamins yun kaya daming sinasabi!)

Kay Kuya Chester! Alam mo, kuha mo yung isa kong basis kay Chester (na friend kong nakapanood na ng movie pero deins niya alam na siya si Ches. Hahaha!) IMO kuha niyo yung bestfriend type ng Chesnine :) Cute!


SIR LEAAAAAAAAAAANN!! ANG CUTE NG SMILE MO!! (TANGINA PEDOPHILE LANG AKO? LELS) srsly, may kahawig ka sa LB! :P Anyway, yung intro ni Lean mej awkward for me :) At medyo kaboses mo yung prof na basis ko kay Lean kaya napapangiti ako sa scenes niyo ni Viv :)

Vivien! Grabe ang demureness mo, kinilabutan ako! Ganyan kademure yung basis ko sa character ni Vivien nung HS kami (kaso ngayon balahura na siya XD) Kinilig ako dun sa kotse scene nyo ni Lean! May natandaan ako. Hahaha! Tho may awkward parts sa inyo ni Lean.. oks lang :) Awkward din naman ako dun sa prof ko minsan (naks may basis talaga sa sarili? XD)

TATIN! Boom boom pow 'to! Hahaha! Actually wala naman akong specific na tao na basis kay Tatin, pero sa Snerds meron (basta barkada ng bitchy girls nung batch namin). Sa itsura lang ni Veronica Callantam (Tats’ character performer) ko kinuha yung attitude and all ni Tatin.. pero wow, as in! Kuha mo talaga si Tats! Diction and all! Mukhang crush ka ng friend kong taga-UST.. at ng operator ni Seth. HAHAHAH!

Etong si Seth!!! KOYA sayang di ka exposed masyado! Pinanindigan masyado ang non-conformist type!

DALAWA NA LANG KULANG!!! =)))

Kay Cyrus.. imba. Unang kita ko sayo sa trailer, alam kong may kamukha ka. Sabi ko sa friends ko hawig mo bestfriend ko in a way.. pero shet na malagket.. Kahawig mo pala yung ex ko, circa 1st-2nd year HS days namin!!! HAHAHAAH sorry naloka ako sa realization ko XD In fairness, nakita ko sayo yung naiimagine kong “awkwardness” ni Cyrus. Ganda ng boses mo! Sayang deins ko masyadong marinig yung time capsule, ganda pa naman ng lines don. HAHAAHAH! Yung “Ma’am ang ganda mo po, Ma’am” IMBANG TAWA KO! Ewan ko kung bakit XD

HAHAHAH eto na, ang pinakainiyakan (wow grabeng tearducts drama ha?) ko sa lahat, si Barbs!!! TEH hands down! Kinilabutan ako sa’yo dun sa intro swear! TBH, sa trailer, I was like “Meh, bakit hindi mahaba buhok nya?” PERO SHET I DON’T GIVE A FUCK KUNG MAIKLI BUHOK MO KASI SHIT BINUHAY MO SI BARBS!!! Hahahah sorry OA ba? Pwera biro, pinag-usapan namin ‘to ng bestfriends ko and they both agree. All this time na ginawa ko ang IIF may isang tao lang ang inisip kong si Barbs.. (hahaha shet secret) pero ngayon.. ikaw na! Mahaba nga lang buhok mo sa imagination ko XD Exact voice! Grabe lang yung “Pake ko” scene mo.. ngawa ako eh. Simple lang tas BOOM BOOM POW!! Astig ka girl! OA man pero yung exact emotions na nafeel ko while writing Chapter 49.. saklap, bumalik dun sa simpleng “Pake ko” mo. IMBAAAAAAAAAAA TALAGA I’M STILL AMAZED! Actually pati mga kabarkada ko! Nuxxx J

Grabe, may kwenta ba ‘tong review ko? XD Sorry kung puro blurbs lang! Natutuwa kasi ako. At natotouch. Sa lahat ng teen fiction stories sa WP eto pa napili niyo. Ang goal ko talaga kung bakit ko sinulat tong If I Fall ay para sa self-satisfaction ko na magkaron ng magandang teen series sa Philippine telly (Ang jirits kasi ng Luv U hahaha sorry sa fans XD). In fairness, dahil sa movie niyo, I realized na pwede pala!

Dapat akong magthank you sa inyo, IV-Lawrence! Sobrang honored ako sa pagpili nyo sa If I Fall bilang project niyo. Kinikilig talaga ako as in! Hindi perfect ang movie, may awkward moments man pero gustung-gusto ko siya. Namiss ko tuloy HS friends ko dahil sa movie. HAHAAHA! And oh, thanks for featuring Ingrid Michaelson sa soundtrack!!! Napatili talaga ako dun HAHAHAHA!

Ano ba yan, medyo nag-expect ata kayo sa reactions ko, basura naman ‘to XD Gustung-gusto ko talaga yung movie!!! Promise! Sabi nga ng friends ko, gawan daw namin ng sariling version ‘tong If I Fall. HAHAHAHA ang awkward lang diba -________-

Yun lang! Congratulations and Thank you, IV-Lawrence!


X,
Leng Anne

Wednesday, February 13, 2013

:)


OFFICIAL ANNOUNCEMENT!


Hi guys! Old and new readers! :)

Ako nga pala si shirlengtearjerky. Yes, para sa mga naghahanap sakin, ako po yung baliw na nagbura ng Wattpad, Scribd, Twitter and Blogspot. Teka, ano bang ginagawa ko dito?

Maraming kasing nagtatanong, nagtataka.. ano na raw bang nangyari sa akin at bigla kong binura ang WP at ibang sites ko? May nangyari bang masama sakin? Nagkasakit? Nagkalovelife? Nagka-amnesia? Ano?

Relax. Buhay na buhay po ang single kong katawang maton.

I'm very sorry kung umalis ako ng WP. Marami lang akong dapat i-prioritize ngayon. At gusto ko na ring manahimik muna at magmuni-muni :)

Hindi ko po alam kung kelan ako makakabalik sa pagsusulat. Kung babalik man ako, dito sa Blogspot ang magiging tahanan ko. Nga pala, since maraming naghahanap ng mga kwento ko, I decided na ipost ang ilan online. Yes, ibabalik ko po ang The Despicable Guy Books 1 & 2 sa Scribd. Nakapangako po kasi akong magsesend ng soft copies thru email, kaso halos 600+ emails po ang nagpapasend at di ko naman kayang i-accommodate lahat ng reqs due to time constraints.

UPDATED AND EDITED SOFT COPIES po ang ipopost ko sa Scribd. Nagrelease na po ako ng soft copies dati, at walang credits yun. Ang nakapost sa Scribd ang OFFICIAL SOFT COPIES, kaya pakidisregard na lang ng mga lumang nasa inyo (Sa  mga pinadalhan ko ng SC sa FB, same lang ng pinost ko sa Mediafire yung inyo). Gusto ko ring i-credit ang books, stories, TV Shows at movies na pinagkunan ko ng ideas at nag-inspire, esp. ang: Drama Queen by Abi Aquino (Summit Books (c) 2003), The Best Way To Lose by Prose Vanity He's Easy Like That by Avecia, All Wrapped Up In A Pretty Bow by jazzywriter22,  How I Met Your Mother, One Tree Hill at Gimik The Reunion.  I'm very sorry kung hindi ko sila nacredit sa posts at naunang soft copies. Nilagyan ko naman ng marks kung anong parts ang may ideas from them.

For If I Fall, I'm sorry but I cannot release a soft copy. At hindi ko na rin ipopost sa Scribd. I'm using it for a special project so yeah..

And about This Might End Up A Story/Alexithymia/Battle of the Exes, late 2013 ko pa sila masisimulan ulit. Wait for further announcements here in my site.

Again, I'm very sorry po sa lahat ng pagkukulang ko. Maraming salamat po sa pagtangkilik ng stories ko! Lalo na sa pag-unawa at suporta.

Kitakits na lang :)

You can message me here: shirlengtearjerky@gmail.com :)

SCRIBD LINKS!
Wag na kayong magtanong kung pwede ba 'tong idownload kasi HINDI PWEDE. OKAY? No download links. You can only view it on Scribd.