Tuesday, February 19, 2013

Reaction: If I Fall Movie ♥




(Disclaimer: Kung finafollow niyo ako sa private Twitter acct ko at nabasa niyo ang live tweets ko while watching the movie last Sunday, may continuation pa yun.:P

At para sa hindi, welcome to hell =))

Mahaba 'to promise.

Again, stop reading here kung di nyo pa napapanood at kung di niyo pa nababasa ang If I Fall. Ayaw mo namang ma-spoil, diba? :P)

**

Ano bang sasabihin ko? Hm.


If I Fall ang pinakapaborito kong story na nasulat ko EVER (Sorry sa may fave sa TDG. Talagang biased ako sa IIF :P). Nung una nga muntikan ko nang burahin 'yon sa Wattpad, around November 2011 kasi walang nagbabasa, at tutok ang lahat sa TDG. Ganun naman talaga ang kalakaran sa WP, yung sikat muna babasahin bago yung iba.

Special sakin ang If I Fall. Eto kasi ang version ko ng buhay high school ko. Puro "what ifs" at "what could have beens" yan. Majority sa characters ay based sa mga totoong tao na pinaghalu-halo ko para hindi nila mahalatang sila ang basis ko. At eto ang aking IV-Archimedes, ang pinakamamahal kong IV-Einstein 2009-2010 :) Tapos nasa collage na 'to ang totoong "characters" ng If I Fall, hulaan niyo na lang kung sinu-sino kami dyan. Oops, there's me XD



Kaya nung nagPM sakin si Jessa nung Dec 11, 2012 (talagang hinalungkat ko pa ang FB inbox ko hahaha) para magpaalam na gagawan nila 'to ng movie, um-okay lang ako. May ilan na rin kasing nagpaalam sakin na gagawan ng short film ang stories ko kaso ewan ko na kung anong nangyari. Go lang ako.

Kaso naman, deins ko inexpect na kasama 'to sa film fest nila sa Cinemascian (Am i correct?)! Akala ko presentation lang, yun pala short film!! Kinabahan naman ako nang bongga! Bakit? Ewan ko. Sobrang protective lang talaga ako sa story na yun, after all based siya sa personal ko at namin. Todo tweet at share ako ng poster for the movie kahit nacoconscious ako. Hahahaha separation anxiety ang peg? :P

The truth is, takot akong panoorin yung movie. At first. Ever since Day 1 sanay ako na kami lang (Einstein) ang nagpoportray ng If I Fall.. sa utak ko (Di alam ng friends ko na ginawa ko silang characters, until lumabas 'tong movie hahaha). I was scared na baka di ko magustuhan or something (Sorry guys! Paranoid lang!). Tapos alam kong mataas ang expectations ng ibang readers sa movie. Gets ko naman yun. Ganyan din ako nung narinig kong gagawan ng movie ang Nick & Norah's Infinite Playlist (na eventually hindi ko nagustuhan. Sorry naman!). Protective lang ako sa "baby" ko. Nuxx meganto? :)

Saturday ata nung naupload yung movie sa Youtube? Basta nagulat na lang ako sa mentions ko sa Twitter na napanood nila yung movie. Leche, mas kinabahan ako. Napanood ko naman yung trailer, at naexcite ako. Kaso gaaahh.. yun na eh. Full movie na. Kalurks lang kaya! Sa katunayan, mas nauna pa ngang panoorin ng mga kabarkada ko yung movie kesa sakin, at di pa nila nababasa ang story. Mas naparanoid naman ako nun dibaaaa. Imagine nasa UST ako, kinakabahan sa interview w/ Eros Atalia tapos may mababasa akong "Nakakamiss magbasa ng If I Fall! Galing ng movie" tweets. Ako naman, what the fuck's happening? Napatitig na lang tuloy ako sa statwa ni Piolo sa may lib. Awkwaaaaaaard.

Sige na, haba ng intro ko. Sorry ang daldal ko sa pagtatype. Eto na talaga reactions ko. Wait lang, don't expect too much. Kakupalan and kawarlahan lang 'to. I'll try to be sensible.. try lang XD

**

I won't go to the technical stuff, the angles, editing and all. Mahirap naman kasing gumawa ng movie in a short span of time. Nung 4th year HS ako I wrote a script and directed our movie project, and imagine nagsulat ako ng horror. Yuck. Mahirap, as in. Yung iba siguro sa inyo naranasan naman yun, kalurks diba? Anyway, medyo nabother lang ako sa ilang transitions kasi naguluhan ako the first time I watched it (as of this time I've watched the film thrice. Panghanda dito sa review ;P). And also, sana hindi dubbed yung ibang parts. Tho gets ko yung purpose kasi nga mahirap magshoot lalo na kung di professional camera ang gamit, and the whole movie was shot from a single angle lang (tama ba? Hahaha) so expected na medyo fucked up ang audio. Di lang kasi sakto yung ibang sinasabi sa dub dun sa buka ng bibig. Nako naman Leng, pati ba naman yun. Sorry ha, dami kong sinabi XD

PERO PEG NA PEG KO YUNG BOSES NI CYRUS!! PANG-DJ ANG BOSES MO KOYA!! HAHAHAHA! Hindi naman siya yung as in naiimagine kong boses ni Cy sa utak ko, medyo kaboses niya si Lean for me. Lels XD

Sa adaptation ng story.. kung hindi mo pa nababasa ang kwento at pinanood mo 'tong movie, wala kang maiintindihan. Di mo magegets kung bakit ganun ang nangyari, and of course the ending. Nabasa ko naman ang disclaimer nung director at naintindihan ko naman yun. Sa mga naghahanap ng ibang scenes, hello 75 chapters po yun, di lahat ng gusto malalagay! (di ako galit ah) Okay lang naman na nagoverlap ang scenes, tho nagulat ako dun sa "Ma'am ang ganda niyo po ngayon, Ma'am", biglang sumulpot dun. Ang pagkasyahin ang 75chapters sa loob ng 56 minutes na hindi mawawala yung essence ng story, mahirap yun. Ayon nga sa disclaimer nila, they tried to be faithful sa story. Kanya-kanya lang naman tayo ng adaptation sa kwento, and for me, okay sakin ang pagkakaadapt ng story. Tho.. I think may ilan na nakulangan (kulit ko sabi ngang may limit yung movie!!) sa exposure ng Vean, okay lang sakin. Kasi kung babasahin niyo naman yung story, di naman sila as in namemention dun, sa latter part lang talaga napagtuunan ng pansin. Sa part nina Seth at Barbs, sabi ng friend ko, sana pinakita yung sa Values Activity (yung scene sa bookstore) para may "light" yung story. Then again, time limit. Kaya sabi ko sa friend ko "E di ikaw gumawa ng sarili mong version!!" hahaha nang-away pa? XD


Casting! (Talagang meganto! Bwahahaha!!) Syempre, una kong napansin si Panot. At di siya panot sa film. Imbis na magulat natawa na lang ako. May nabasa kasi akong isang tweet na "Ay ba't di panot si Panot?" Gusto ko sanang kupalin, san ka makakahanap na napapanot na HS student? Tignan nyo yung collage sa taas, andun yung totoong "Panot". Hahahah :D Si Liam din, ang laki! Mahirap nga namang magcast, and I think within the section lang ang actors? Am I right?

Okay eto na.


Wala naman akong reklamo sa casting. Napaliwanag naman ni Direk yung process sa disclaimer nila. Actually, natutuwa nga ako :D

Yung kay Wes muna, since mabenta sa viewers si Karl Eugenio (Hi Kuya, nilaglag ng classmates mo sa Twitter ang name mo. Di ako stalker ah hahaha!). GRABE TAWANG-TAWA AKO SA'YO! AS IN!! KAMUKHA MO YUNG CRUSH KONG SI GINO QUILLAMOR!!! HAHAHHAAH! Srsly, nakakatuwa ka, mej conyo ka ata (sorry hahaha dami kong alam). Tho for me ikaw ang "mabait" na version ni Wes, oks ka lang. Alam mo bang iyak ako nang iyak sa time capsule scene mo? Seryoso ako dyan. Hirap isulat nung scene na yun (tho si Xian Lim talaga ang naiisip ko while writing), and you gave justice to that. Naks namaaaan dami kong alam!!

Kay partner tayo ni Wes, si Rachel. Uy teh!! Kitang-kita ko sa'yo yung basis ko for Rocky!! (HAHAHAHA SHET WAIT ANO RAW. AHEM AHEM SINO NGA BA YUN?) Parehas kayo ng tindig and reactions!! Hahahaha!! Shet. Natatawa nako sa pinagtatype ko XD

Seriously, etong Wesky, peg ko 'to. Naalala ko yung couple na pinagbasehan ko sa dalawang gumanap. HAHAHAHA ang awkward, I'm referring to myself in third person (ano raw? Haha.) Sabi ng friend ko, "lakas ng chemistry nila! sa kanila talaga ako naiyak at kinilig sa last part!" OHA OHA OHAAAA! DI LANG SIYA NAGSASABI NYAN! MAY IBA RIN! CUTE NIYO TOGETHER! Nang-asar pa e noh? XD


Eto kay Janine tayo. Grabe Jessa, ang benta mo sakin! Kaboses mo si 9 sa utak ko srsly! Tsaka yung time capsule scene mo.. imba, paiyak ka na ba yun? Feel ko paiyak ka na kaya ako tong si shunga napaiyak lalo. Haha! Sabi ni Bee (yung basis ko kay 9), kuha mo raw yung kaartehan niya, at mej nakita nya yung sarili niya sa portrayal mo kay Janine (pasensya kulang sa vitamins yun kaya daming sinasabi!)

Kay Kuya Chester! Alam mo, kuha mo yung isa kong basis kay Chester (na friend kong nakapanood na ng movie pero deins niya alam na siya si Ches. Hahaha!) IMO kuha niyo yung bestfriend type ng Chesnine :) Cute!


SIR LEAAAAAAAAAAANN!! ANG CUTE NG SMILE MO!! (TANGINA PEDOPHILE LANG AKO? LELS) srsly, may kahawig ka sa LB! :P Anyway, yung intro ni Lean mej awkward for me :) At medyo kaboses mo yung prof na basis ko kay Lean kaya napapangiti ako sa scenes niyo ni Viv :)

Vivien! Grabe ang demureness mo, kinilabutan ako! Ganyan kademure yung basis ko sa character ni Vivien nung HS kami (kaso ngayon balahura na siya XD) Kinilig ako dun sa kotse scene nyo ni Lean! May natandaan ako. Hahaha! Tho may awkward parts sa inyo ni Lean.. oks lang :) Awkward din naman ako dun sa prof ko minsan (naks may basis talaga sa sarili? XD)

TATIN! Boom boom pow 'to! Hahaha! Actually wala naman akong specific na tao na basis kay Tatin, pero sa Snerds meron (basta barkada ng bitchy girls nung batch namin). Sa itsura lang ni Veronica Callantam (Tats’ character performer) ko kinuha yung attitude and all ni Tatin.. pero wow, as in! Kuha mo talaga si Tats! Diction and all! Mukhang crush ka ng friend kong taga-UST.. at ng operator ni Seth. HAHAHAH!

Etong si Seth!!! KOYA sayang di ka exposed masyado! Pinanindigan masyado ang non-conformist type!

DALAWA NA LANG KULANG!!! =)))

Kay Cyrus.. imba. Unang kita ko sayo sa trailer, alam kong may kamukha ka. Sabi ko sa friends ko hawig mo bestfriend ko in a way.. pero shet na malagket.. Kahawig mo pala yung ex ko, circa 1st-2nd year HS days namin!!! HAHAHAAH sorry naloka ako sa realization ko XD In fairness, nakita ko sayo yung naiimagine kong “awkwardness” ni Cyrus. Ganda ng boses mo! Sayang deins ko masyadong marinig yung time capsule, ganda pa naman ng lines don. HAHAAHAH! Yung “Ma’am ang ganda mo po, Ma’am” IMBANG TAWA KO! Ewan ko kung bakit XD

HAHAHAH eto na, ang pinakainiyakan (wow grabeng tearducts drama ha?) ko sa lahat, si Barbs!!! TEH hands down! Kinilabutan ako sa’yo dun sa intro swear! TBH, sa trailer, I was like “Meh, bakit hindi mahaba buhok nya?” PERO SHET I DON’T GIVE A FUCK KUNG MAIKLI BUHOK MO KASI SHIT BINUHAY MO SI BARBS!!! Hahahah sorry OA ba? Pwera biro, pinag-usapan namin ‘to ng bestfriends ko and they both agree. All this time na ginawa ko ang IIF may isang tao lang ang inisip kong si Barbs.. (hahaha shet secret) pero ngayon.. ikaw na! Mahaba nga lang buhok mo sa imagination ko XD Exact voice! Grabe lang yung “Pake ko” scene mo.. ngawa ako eh. Simple lang tas BOOM BOOM POW!! Astig ka girl! OA man pero yung exact emotions na nafeel ko while writing Chapter 49.. saklap, bumalik dun sa simpleng “Pake ko” mo. IMBAAAAAAAAAAA TALAGA I’M STILL AMAZED! Actually pati mga kabarkada ko! Nuxxx J

Grabe, may kwenta ba ‘tong review ko? XD Sorry kung puro blurbs lang! Natutuwa kasi ako. At natotouch. Sa lahat ng teen fiction stories sa WP eto pa napili niyo. Ang goal ko talaga kung bakit ko sinulat tong If I Fall ay para sa self-satisfaction ko na magkaron ng magandang teen series sa Philippine telly (Ang jirits kasi ng Luv U hahaha sorry sa fans XD). In fairness, dahil sa movie niyo, I realized na pwede pala!

Dapat akong magthank you sa inyo, IV-Lawrence! Sobrang honored ako sa pagpili nyo sa If I Fall bilang project niyo. Kinikilig talaga ako as in! Hindi perfect ang movie, may awkward moments man pero gustung-gusto ko siya. Namiss ko tuloy HS friends ko dahil sa movie. HAHAAHA! And oh, thanks for featuring Ingrid Michaelson sa soundtrack!!! Napatili talaga ako dun HAHAHAHA!

Ano ba yan, medyo nag-expect ata kayo sa reactions ko, basura naman ‘to XD Gustung-gusto ko talaga yung movie!!! Promise! Sabi nga ng friends ko, gawan daw namin ng sariling version ‘tong If I Fall. HAHAHAHA ang awkward lang diba -________-

Yun lang! Congratulations and Thank you, IV-Lawrence!


X,
Leng Anne

20 comments:

  1. Namiss ko magbasa ng writings mo ate Leng. T__T Hahaha! Habang binabasa ko 'to, napapatango na lang ako e at napapangiti. :)) Sana nga maging series ang If I Fall. :) After kong mapanuod 'yung movie, nung gabi habang nagpapa-antok ako, in-imagine ko kung paano nga kaya kung magiging teen series siya at ipapalabas na sa TV. Grabeee!! Lalo akong di dinalaw ng antok sa excitement ko nun! Hahaha. At kahit hindi naman talaga tayo close, proud po talaga ako sa'yo. =)) ANG GALING MO LANG TALAGA ATE LENG! =) Though namimiss ko na ang If I Fall, nandyan naman ang characters na nakikipag-interact sa'min. :) Thank you ate Leng. :") God bless you. <3

    ReplyDelete
  2. God! How I miss If I Fall! Sobrang... Grabe! 'Eto talaga, eh! Mas mahal ko ang If I Fall kesa sa TDG. Imagine, habang nag-aantay ako ng update for TDG Book 2, mina-marathon ko ang IIF makahabol lang. Pero sobrang heartbreak! Pero Ate Leng! Hindi ako nabigo, may Book 2! ahahah XD ang dami ko kasing tanong. like what happened between Lean and don sa ate ba 'yon si Cy? nakaka-curious. Saka parang ang sarap ma-meet ni Badong. Nakakamiss basahin 'yong mga sinusulat mo. Kahit blurbs lang kasi feel na feel ko pa rin 'yong presence mo. 'Yon lang. continue writing and inspiring. =))

    ReplyDelete
  3. Gahhhhhhhhd. Grabe lang. Mas nakakamiss lalo yung If I Fall because of the movie. kahit panuorin ko pa ang If I Fall Movie ng IV-Lawrence, well, di ako mag sasawa. Barb's the best. May justice eh. :) Tapos yung time capsule ni Barbs, langya!!!! Carried away ako. Yung kay 9 nga muntik na ko maiyak, pinigil ko lang. Shet na malagket naman yung kay Wes at Rocky. Kilig mode ako sakanila. :">>> Maraming salamat Ate Leng! :)

    ReplyDelete
  4. Waaaah! Naiyak ako sa reaction mo at, as in tili ako ng tili. Ang weird ko nga sabi ni Papa kasi tawa rin ako ng tawa sa harap ng computer! Tsaka ALL HAIL talaga sa kanilang lahat (Sa gumawa nung movie) Kasi WOW! They're just HS Students pero nabigyan ng justice yung story mo. Tho iniimagine ko rin sila as different people, pero medyo may hawig sila sa utak ko (Hanuraw? HAHAHA) Pero infairness, kahit wala na yung book sa wattpad ay kabisado ko parin yung mga lines sa utak ko at tuwang-tuwa ako kasi halos lahat ng magagandang part (lalo na sa time capsule) ay nasama sa movie! Yey! Yung If I Fall talaga dabest! Feel na feel ko sya, lalo na ngayon 4th year din ako tsaka BASTA NAIIYAK AKO WAAAAAH! Favorite ko talaga to! Eto lang ang librong gumugulantang sa buhay ko! HAHAHAHAHA Love you ate leng! ♥

    ReplyDelete
  5. I Supper Agree po miss author..!!! Barbs na Barbs lang talga si Ateh eh....in love na ako sa kanya (naging tomby lang).

    And I agree also kung hindi mo nabasa ang If I Fall medyo di mo gets and movie...pero na appreciate ko yung scene kung saan umamin si Barbs kung bakit sya nagka-ganun kay Cyrus..

    "If I Fall" ang tanging story kung saan nakakarelate ka sa mga characters...eto yung story na hanggang ngayon may hang-over pa din ako...and it was really worth reading :3

    High School Life indeed

    ReplyDelete
  6. Natuwa ako sa reactions ni ate Leng. Like everyone, I love your writings. Totoo nga ung sinasabi nila na hanggang ngayon may hang-over pa rin sila sa stories mo. You can never simply forget a great story. Bukambibig ko nga araw araw yan sa klase kung hindi TDG, IIF. Baka nga nagagalit na sakin ung mga kaibigan ko kasi yun at yun lang ang kwento ko sa kanila, kaya pati sila napapabasa na dahil sakin. Your writings are inspiring. Hands down :)))))

    ReplyDelete
  7. Sana i-publish niyo na rin ang IIF as a book Ms. Leng. Bibili talaga ako. Hindi kasi ako maka-relate e. Ang ganda kasi ng feedbacks ng mga nakabasa na. Whew. I'll wait for that day. Optimism! Beat that!

    ReplyDelete
  8. hahaha!! they're my schoolmates! :D wala lang!! share! ;)

    ReplyDelete
  9. Kahit review mo, hindi ko pinalampas na basahin!
    Imba ka! Iniintay ko ring malaman ang reaction mo towards the movie.
    I agree in regards with the portrayal of Barbs character.
    Bet na bet ko siya! Tho, unang reaction ko agad nang makita siya,
    Bakit maiksi ang buhok niya? Hindi naman gan'on sa kwento.
    Pero, wag ka! She justified the character. Ayos!
    Na-deliver niya nang maayos 'yong mga lines.

    ReplyDelete
  10. hello po! pwde po bng humingi nung link ng movie ng if i fall. nacurious po aq n pnoodin un. i really like po tlga ung if i fall. hinihintay ko nga po ung book 2 nun kz bitin story.. team bayrus po aq eh..hehehe

    ReplyDelete
  11. AHHHHHHHHHHHH!!! hello ate leng :) Namimiss ko na talaga ng IIF, HAHAHA! at sa lahat ng stories sa wattpad, ito rin ang pinaka Favorite ko :))) Hindi ko na nga nabasa ang ending eh :((( HAHAHHA!

    ReplyDelete
  12. ate leng pwede po ba makahingi ng soft copy ng If I Fall..gusto ko kasi sana siya mabasa..^o^

    ReplyDelete
  13. Ate leng san po pede panuorin yung short film ng if i fall..gusto ko po kasi mapanuod kung pede..hinanap ko na po sa youtube pero wala po akong makita..thanks po..

    ReplyDelete
  14. Leng! you came back!! you bring me back to my sanity! wahaha ano raw? panu b nmn kse yung mga stories mo lng ang pinagkakaabalahan ko while waiting sa trabaho. buhay tambay ngaun eh. anyways...@leng, have you ever tried to make your stories into movies sa indie film industry?? i think it will work out eh. wala bang nagoffer sau sa indie director jan? :D

    ReplyDelete
  15. ate leng! namiss ko po ang mga stories nyo lalo na ang if i fall, ang pinakapaborito ko sa lahat ng storyang nabasa ko online. tumatak kasi siya eh, tapos, basta ang galing. ang galing nung pagkakasulat, ang galing nung plot, ang galing kahit saang anggulo tignan. :) ito po ata ang first time na nagcomment ako sa isang online story na binasa ko. silent reader po kasi ako lagi. :P (sorry pasaway) hindi ko na kasi kinaya na tumahimik. haha. natuwa kasi ako nung bumalik ka po. kasi di ba nawala nga po lahat nung ibang accounts mo? eh nung time na yun, inirerecommend ko sa mga kaibigan ko na basahin yung If I fall, kaya lang nung hinanap nila di na nila makita, yun pala di talaga nila makikita kasi wala na yung account. :)) Anyway, masasabi ko sigurong maswerte ako dahil nabasa ko ng buo yung If I Fall. :) pati na-excite ako nung nalaman kong may movie na. na-excite din akong panoorin yung movie, kaya hinanap ko kaagad. :) Anyway, gusto ko lang pong malaman mo na marami kaming humahanga sa'yo bilang author. :D sana magka-book rin po ang IIF, sigurado bebenta yun. :)

    ReplyDelete
  16. Uwah!! Grabe!!! Hindi ko mahulaan kung sinu-sino po sa pics yung cast! ehehe Sana tama ako na si Wes yung nakablack. ayt... ehehe

    Miss na miss ko na po talaga ang If I Fall... lalo na nung hindi ko na siya mabasa sa library sa WP acc ko... (nagsisisi na nereformat ang cp) pero nung nag-open po ako ng FB ko at nakita ko ang post ng Team Bayrus na may Movie na ang IIF, I was "Hala! talaga? Di nga?" taz super excited na ako hanggang sa nung pinapanood ko na, tumaas lahat ng balahibo ko. I LOVE ATE BARBS SA STORY! ANG GALING GALING!!!! mas lalo ko tuloy na miss ang IIF. sana nga maging series siya sa TV. Galing galing po talaga ng IV-Lawrence!

    ReplyDelete
  17. wahaha leng!! wala lang nabasa ko to, natawa lang ako, kinikilig talaga kami ni emps sayo! nakaka proud ka!! hahaha :D at nakakatats ka lang, like yakno. :P

    ReplyDelete
  18. TAGA-SAN LORENZO KA PALA ATE LENG! :) Taga-dyan yung pinsan ko eh. :) :)-denn.

    ReplyDelete
  19. Hi. ate lang. omygash! buti nlang nahanap na kita. :)) hiraap ah, pero worht it naman kse i found you na. :)) ate lang, hindi lumilitaw yung special chapter ng TDG sa wattpad. what can I do po? para mahanap ko sya. please , pretty,pretty please ? thank you. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ate leng. ensya namali po ng type. inis tong keyboard. :D please help me po. :)

      Delete

Note: Only a member of this blog may post a comment.