Wednesday, February 13, 2013

:)


OFFICIAL ANNOUNCEMENT!


Hi guys! Old and new readers! :)

Ako nga pala si shirlengtearjerky. Yes, para sa mga naghahanap sakin, ako po yung baliw na nagbura ng Wattpad, Scribd, Twitter and Blogspot. Teka, ano bang ginagawa ko dito?

Maraming kasing nagtatanong, nagtataka.. ano na raw bang nangyari sa akin at bigla kong binura ang WP at ibang sites ko? May nangyari bang masama sakin? Nagkasakit? Nagkalovelife? Nagka-amnesia? Ano?

Relax. Buhay na buhay po ang single kong katawang maton.

I'm very sorry kung umalis ako ng WP. Marami lang akong dapat i-prioritize ngayon. At gusto ko na ring manahimik muna at magmuni-muni :)

Hindi ko po alam kung kelan ako makakabalik sa pagsusulat. Kung babalik man ako, dito sa Blogspot ang magiging tahanan ko. Nga pala, since maraming naghahanap ng mga kwento ko, I decided na ipost ang ilan online. Yes, ibabalik ko po ang The Despicable Guy Books 1 & 2 sa Scribd. Nakapangako po kasi akong magsesend ng soft copies thru email, kaso halos 600+ emails po ang nagpapasend at di ko naman kayang i-accommodate lahat ng reqs due to time constraints.

UPDATED AND EDITED SOFT COPIES po ang ipopost ko sa Scribd. Nagrelease na po ako ng soft copies dati, at walang credits yun. Ang nakapost sa Scribd ang OFFICIAL SOFT COPIES, kaya pakidisregard na lang ng mga lumang nasa inyo (Sa  mga pinadalhan ko ng SC sa FB, same lang ng pinost ko sa Mediafire yung inyo). Gusto ko ring i-credit ang books, stories, TV Shows at movies na pinagkunan ko ng ideas at nag-inspire, esp. ang: Drama Queen by Abi Aquino (Summit Books (c) 2003), The Best Way To Lose by Prose Vanity He's Easy Like That by Avecia, All Wrapped Up In A Pretty Bow by jazzywriter22,  How I Met Your Mother, One Tree Hill at Gimik The Reunion.  I'm very sorry kung hindi ko sila nacredit sa posts at naunang soft copies. Nilagyan ko naman ng marks kung anong parts ang may ideas from them.

For If I Fall, I'm sorry but I cannot release a soft copy. At hindi ko na rin ipopost sa Scribd. I'm using it for a special project so yeah..

And about This Might End Up A Story/Alexithymia/Battle of the Exes, late 2013 ko pa sila masisimulan ulit. Wait for further announcements here in my site.

Again, I'm very sorry po sa lahat ng pagkukulang ko. Maraming salamat po sa pagtangkilik ng stories ko! Lalo na sa pag-unawa at suporta.

Kitakits na lang :)

You can message me here: shirlengtearjerky@gmail.com :)

SCRIBD LINKS!
Wag na kayong magtanong kung pwede ba 'tong idownload kasi HINDI PWEDE. OKAY? No download links. You can only view it on Scribd.

74 comments:

  1. Hellllo Ate leng! Jusko! Ang saya-saya ko dahil dito! Believe it or not namiss po kita. As in! Hahaha =) Sana maging okay na yung scheds mo or kung ready ka na po mag sulat ulit. Kasi namimiss ko po talaga yung mga stories mo!! So.. yea.. this is nonsense.. If given talaga. gusto kong mabasa ulit ang IIF. Pero dahil desisyon mo yan ate Leng. I respect it po! : > Ingat lagi ate Ms. Leng, shirlengtearjerky <3

    ReplyDelete
  2. hello ate Leng. Napangiti naman ako nitong post na to. Sobra :) namiss po kita ee. Pati yung mga gawa mo. Willing po akong mag antay hanggang maging ready na po ikaw ulit mag sulat. Pag naririnig ko po yung Shirley ng Eheads ikaw agad naiisip ko ee. Ingat po ate. :))))

    ReplyDelete
  3. hi ate Leng !!!!!!! how are you? namiss po kita at ang mga stories mo. Ang pagsubaybay lagi sa wattpad para sa mga update at new stories mo. I'll understand what happen and I'm thankful for sharing the stories you've written. nakakainspire talaga lalo na ang love story ng KevJe Duo. kakabasa ko lang nung Afterall (25 years) grabe lungsss! umiyak ako o hagulgol nga ba?? hahaha iba kasi yung dalawang yun e. yung LOVE nila for each other at umabot sila ng ganun. NICE ! i love you ate Leng ! your a great writer. keep it up for your works! Godbless

    ReplyDelete
  4. Hi po :) Thanks ate Leng :))ikaw ang nagpakilig ng Valentines ko :)) Thanks for writing TDG and IIF :)) salamat po tlga <3 Happy Valentines po :) tanong lang po, pwede ko po bang ipaprint yung TDG book 1 and 2? ipapahard copy ko po sana ... kung okey lang pero kung hindi okey lang din po :) salamat po ulit and God bless :))

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. soooo love it! hahaha. TDG lang yung halos ayaw kong basahin nung una. Almost one month na nasa akin yung soft copy nito kaso tinamad talaga akong basahin, pero nung time that I started to read it, ay haneppp! I was really hooked up and I will always be. nakakamiss balikan ang mga nangyari sa buhay ng KevJe. Thanks Ms. Leng for posting it again. I really appreciated it. Nagtanong dati yung friend ko kung nabasa ko na daw yung SC ng TDG. Eh di super kwento kami kaso nung nagbukas ulit ako sa scribd wala. Pati yung fb ng TDG. Buti na lang yung sa IIF andun pa din. Kaya nakakakuha pa din ako ng updates. hahaha. Excited na ako sa sa part 2 ng IIF. You are truly wonderful Ms. Author :D

    God bless you more and more stories pa in the future :D

    ReplyDelete
  7. Hello po! Thanks po kasi bumalik kayo! Sabi nga nila "Good things come to those who wait." LOL. Kahit dito na lang kayo sa Blogspot! WE LOVE YOU ATE LENG!

    ReplyDelete
  8. hi leng.. wow.. magandang valentine gift ito sa iyong mga followers/readers.. thank you so much for this.. c: Ikaw na ang nagpakilig ngayong valentines.. c:

    ReplyDelete
  9. Best Gift for Valentine's ate Leng. :))

    ReplyDelete
  10. whahaha....thank you po ng marami Ate Leng..!!! much appreciated

    ReplyDelete
  11. Yey! Sawakas meron naaaa! Di na ko mababaliw kaka-hanap sa net hoho :> Thanks Ate Leng!! :"> Iloveyou SUPER :* Happy Valentines! :D

    ReplyDelete
  12. thanks po ate Leng :) and happy valentines day ..

    ReplyDelete
  13. paano po magpasend ng soft copies through e-mail?

    ReplyDelete
  14. Hello po :) I thought talagang wala natong blog mo. I searched it before walang lumalabas but heto na nga thank you talaga kala ko titigil ka sa pgsusulat mo e haha. God bless :)

    ReplyDelete
  15. finally I have found your blogspot ate Leng!:) thanks to the tweet of kuya Cy :)))))

    ReplyDelete
  16. SALAMAT ATE LENG! Namiss ko ang TDG.

    ReplyDelete
  17. ommyy :)) haha meron na palang story si atom..i mean..basta hahaha :))) babasahin ko siya pag may time..THANK YOU PO GOD BLESS :))

    ReplyDelete
  18. YAAAY!! Sa wakas! =))) Ang gandang pa-Valentines nito. :D Thank you ate Leng! :) We'll still be here waiting for your stories. Andyan naman ang mga characters ng IIF at ang group para hindi namin masyado mamiss stories mo. Sabi mo nga, "good things come to those who wait." :) Good luck sa studies. =)

    ReplyDelete
  19. Yeeeesss.
    <- Fan of IIF ako. And I'll patiently wait for the book2, take all the time you need. ;)

    ReplyDelete
  20. Hi Ate Leng! Nung nabasa ko 'to? Like OMG talaga!
    Nakakamiss na mga stories mo, like yeah, nalungkot talaga ko nung nawala yung mga accounts mo. :(

    Ayown, waiting pa rin ako sa Book 2 ng IIF. :))
    At fan na fan ako ng TDG! :)
    Thank you Ate!
    Keep up the good work!
    Godbless :))

    ReplyDelete
  21. WAAAAAAAAAAAAAA. SALAMAT ATE LENG :D

    ReplyDelete
  22. naman.. ang ganda po ng mga story nyo.. sobrang kakakilig talaga, as in po.. lalo-lalo na ang "DESPICABLE GUY" sobrang gaaaaaaaaaaannnnnnddddddddddddaaaaaa.. :)) more powers to you and strenght Leng.. :))

    ReplyDelete
  23. saktong-sakto talaga nung ng.fb ako, ito yung una kong nakita from the kevje group and as in sobrang saya ko po talaga kasi kahit saan-saan ko na po hinanap yung pangalan nyo makita ko lang ang special chapters ng TDG. As in nakaka-adik po talaga sya. Napapamahal na po ako sa inyo ng sobra dahil dito. God bless you po ate leng!:)

    ReplyDelete
  24. huhuhu... gusto matapos ung if i fall..sayang di pwedi ibigay ang soft copy...

    ReplyDelete
  25. Thank u vey much .. po .. at nagpost po kau ..

    ReplyDelete
  26. Hi ate Leng! Actually matagal na kitang hinahanap. Bigla ka po kasi nawala sa wattpad. laking pasalamat ko po at na-save ko pa sa Lib yung IIF... buti na lan nahanap kita dito! Thanks to Kuya Seth Bello sa twitter! T.T Fan niyo din po ako, di ko lang napindot sa WP...

    ReplyDelete
  27. Hi ate Leng! Yey! Looking forward po for your updates. Atska don't worry po, maghihintay kami kahit anong mangyari. Solid fan! :)

    ReplyDelete
  28. Seryosong ang saya lang nitoooo. Pangatlong beses ko nang binabasa ang IIF! Nahawaan ko na nga ang roommate ko e. Astig lang. Go lang, 'te Leng! I feel you. Pressure ba kamo? Eh kasi nga UP! :) I will be waiting for TMEUAS, seryoso yan. Baka isa o dalawa pang round ng pag-ulit ng IIF yun. Pero God bless! Enjoy laaang. Walang pressure sa pagsusulat. Pagmay nampe-pressure pa sayo, makakaupak na ko ng taao!:)

    ReplyDelete
  29. GLAD YOU'RE BACK ATE AUTHOR! ❤

    ReplyDelete
  30. ok lng po yun basta love namin ang stories mo at syempre ikaw!

    ReplyDelete
  31. hi ate leng... ang gaganda po ng stories nyo specially the TDG..

    pwd po ba idownload yun file sa Scribd???

    ReplyDelete
  32. Ate Leng watch mo to :) Movie ng IIF https://www.youtube.com/watch?v=OvO8lLb06gw :)

    ReplyDelete
  33. ate leng huhuhu bk8 po kayo nawala? nawasak po puso ko dahil dun (exaggerated) ate leng love na love ko po kayo... thank you po sa paggawa ng TDG ha? salamat po talaga d nyo lang po alam qng gaano nyo napapasaya reader nyo.. i will always support you po...

    ReplyDelete
  34. Ayon yun e :DD WAAAA! Sobrang SAAAAYAAA MUCH ko ng sa sobrang saya naiiyak na ko T.T SHEEEEMS lang! SALAMAT sa pag balik LENG :))) Ilang beses ko ng pina ulit ulit yung TDG 1&2, AH Basta lahat ng may kinalaman sa KevJe COUPLE di ako magsasawang BASAHIN NG PAULIT-ULIT yun ;))))) KEEP it UP :)) Goraaa langs :) AHIHIH~! Dito lang kami to support all your GREAT PIECE :)

    ReplyDelete
  35. I started reading If I Fall noon kaya lang nawala. late reader kasi sana mabasa ko ulit. anyway, i really love TDG <3 promise! yun na ang the best filipino story na nabasa ko. super hooked ako. pag tinatanong nga ako ng friends ko kung anong magandang basahin TDG agad ang sinasabi ko.It's one of the best storis i've ever read. Very realistic and sobra kong pinakilig. Simula nga nung nabasa ko yun tinamad na kong mag wattpad or tumaas na di yung standards ko sa pagbabasa. Iba kasi talaga yung dating ng story ng KevJe eh. Kay good luck ate Leng and more stories to come :) Always and Forever :)))

    ReplyDelete
  36. hinding hindi ako magsasawang basahin ang TDG. Always and Forever nga diba? haha. Minsan may marinig lang ako na bagay na connected sa TDG namimiss ko sila kaya nagbabasa ulit ako. paulit ulit lang ako sa TDG pero wala talaga. Di ako nagsasawa. Dahil ba yan sa awesome genes ni Kevin? hahaha.

    ReplyDelete
  37. I miss you Ate Leng! I miss your stories as well. Thank you for reposting TDG. :D hindi siya nakakasawa promise! :)))

    ReplyDelete
  38. OMG!Hello po Ms. Author! :)) I really miss you and your stories po. :)) Super happy ko kasi you're here na ulit :))) Nadiscover ko lang po itong site from Lean dun sa account nya sa twitter. Thank God :)) The Despicable Guy and If I fall are my favorite stories :))

    ReplyDelete
  39. ate leng, miss na miss ko na po yung IIF :(
    san ko po ba pwede basahin yun? please po :((

    ReplyDelete
  40. Hello Miss Author !! Welcome back ! :) grabe i miss this site and your stories and you of course :D binalita lng ng friend ko na nagbalik ka na raw and yeah im really happy ! I've seen the IIF movie and it's cool, kuhang kuha yung lines and emotions lalo na si barbs xD can't wait for the continuation of your stories but of course busy ka so i understand :) goodluck to you ! :)

    ReplyDelete
  41. Welcome Back, Ms. Author!Nakakatuwa na balik online na ang mga sites mo. Nakakatuwa at nakakamiss ang mga stories mo. God bless sa mga susunod mo pang stories at sa studies!Keep up the good work and Thank you for bringing The Despicable Guy back online! :)

    ReplyDelete
  42. Ate Leeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeng! Grabe! fc lang po. Pero sobrang hinanap ko po kayo sa lahat ng pwedeng paghanapan. Namiss ko po yung pagsulat niyo at yung napakalawak niyong pananaw sa maraming bagay. Ate sana maipagpatuloy mo pa talaga, sobrang galing mo kase talaga eh. Wish you the best ate! Good luck sa mga upcoming stories! :) God Bless!

    p.s.
    ate favor? pwede po penge nung tatlong soft copy nung remaining 3 stories niyo po? yung this might end up a story, alexithymia, saka yung battle of the exes? syempre wala akong karapatang magdemand po. Umaasa po akong mapa publish niyo po yun ulit.

    yun lang po salamaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat!

    ReplyDelete
  43. ate . pano po ba mag.print sa scribd ? pls. answer ..

    ReplyDelete
  44. Medyo nawalan na ako ng pag-asa nung nawala ka bigla sa twitter at nawala nga yung sites mo. Takang taka pa ako kung bakit. Medyo nalungkot ako, kasi parang kapopost mo lang nun ng prologue (prologue na nga ba yun? XD) ng IIF2 (tuwang tuwa ako nun tae! FINALLY eh. Ilang beses mo sinabi na WALANG BOOK 2 pero ayun! Haha) tapos biglang nawala ka na. Tapos ngayon, HAHAHAHAHA tae nakita ko! Bigla ko lang naisipan na i-google ka XD then BOOM! ETO NA NGAAA. HAHAHAHA yey! Hihintayin ko talaga yang "This Might End Up A Story" :)

    Ang FC lang kung makapag-comment. Oh well, ANON naman eh. BWAHAHAHAHA >:))

    HELLO LEEEENG! WELCOME BAAACK :D <3
    --o diba, maka-LENG. SOBRANG FC! E kasi naman. Ka-age lang kasi kita eh :p oks lang ba? Hoho XD

    ReplyDelete
  45. Thank you talaga at pinost mo ulit ang TDG, dismaya man ako dahil hindi mo ipopost ang IIF, dahil hindi ko pa po ito nababasa, okay lang, dahil matagal ko na pong gustong ulitin ang TDG dahil ang ganda ganda ganda ganda gandaaaa nito!! WAA SALAMAT TALAGA! huhuhu. noon, basa basa nalang ako ng mga quotes from tumblr na galing sa TDG, pero ngayon MABABASA KO NA NG BUO ULIT! SALAMAT <3 and I admire the way you wrote it. realistic kasi talaga. sana balang araw ganyan din ang love story ko <3

    THANK YOU!

    ReplyDelete
  46. Hi po ms. Leng! sana po mapagbigyan niyo po ako
    isa po akong Admin sa isang page and nagbibigay po kami ng Trivia about Authors sana po kung ok lang po sa inyo mainterview!
    sana po makapagreply kayo
    maraming salamat po ^^.

    ReplyDelete
  47. Ate Leng, pwede po bang mag Wattpad ulit kayo :>
    Thank you din po sa soft copy. Kaso bat di pwede ma DL?
    Mas masarap magbaa sa Cellphone eh.
    Salamat nga po ulit sa SC ^_^

    ReplyDelete
  48. We miss ur stories Miss Leng!

    ReplyDelete
  49. Hi Ate Leng! Nag sign in talaga ako para magcomment. Hahaha! Actually, nakita ko lang 'yung activity ng classmate ko na nilike 'yung picture ni Seth sa fb. Ayun. Bigla kong namiss 'yung mga stories mo. :( Hay. Everyday, nung hindi pa tapos 'yung If I Fall, lagi akong nagaabang ng update. And sa totoo lang, stories mo lang 'yung talagang binasa ko. Yes, nagbasa din ako ng iba pero hindi ako na hooked katulad ng pagkahilig ko sa stories mo. 'Yung TDG? Hindi ko na alam kung ilang beses ko ng naulit. Ayun. Sayang lang wala na sa wattpad yung If I Fall, hindi ko na mauulit basahin at wala ding soft copy. Mag iingat ka lagi Ate Leng! Miss ka na naming mga readers mo. Mag publish ka na ng libro. Hihi! Hit 'yun for sure. Sana makabalik ka na kahit di na sa wattpad kahit dito, okay lang. Nakakamiss kasi. Nakakamiss lahat. Iba ka kasi magsulat e. Hindi 'yung puro kilig lang. Romcom ba. Heehee. Sige, God bless po! Ingat!

    ReplyDelete
  50. Sayang </3 Gustung-gustung-gusto ko pa naman mabasa na yung If I Fall. But, wala naman po akong magagawa eh. Hihi. I'll patiently wait for you na lang po. Thanks ! :)

    ReplyDelete
  51. Hi Leng! :)) Sobrang ganda ng story mo! :D Inaabangan ko yung Alexithymia mo, kahit sobrang tagal mo pa ipost iyon aabangan ko talaga. Idol kasi kita.. hihihi! ^_^ Sana sa susunod na dalaw ko sa UPLB makita na kita. :D HEHE! 'Yon lang pows!

    ReplyDelete
  52. Thank you po sa soft copy Ms. Sthirlengtearjerky! Ang ganda po pala ng story ng The Despicable Guy! Walang halong biro po! Unpredictable yung mga pangyayari! Astig! Thanks po ulet! :)))

    ReplyDelete
  53. so saaaad!! T////T gusto ko pa naman mabasa yung IIF huhu.... i really love your story especially TDG ... it inspires me a lot ... lakas makaapekto eh :)) keep it up po ... now i know kung bakit ka po nawala sa WP . thanks ate leng :)) --- yumieu

    ReplyDelete
  54. ai ate leng...bago ko lang po nabasa yung TDG graveh ate...
    angganda tapos parang di siya tulad ng ibang story na dinadala ako sa iabng mundo (yung binbasa ko kasi dinadala ako sa ibang mundo at trip ko rin para makalimutan ang stress. )dinala mo ako sa reality ate specially yung TDG2 na sobrang natamaan ako..kasi may mga parts dun na nakarelate ako at nangyari rin sakin te... graveh,,,dinala mo ako sa reality.. pero ot is sad to know na nagstop ka muna..pero ate sana bumalik ka..hehe sana rin marami pa akong mababsang stories mo ... sana rin mabasa mo stories ko sa Wp hehehehe
    Thanks ate :)

    ReplyDelete
  55. Hi po ms.leng..isa po ako sa mga fans nyo,hahaha grabe nung nbasa ko ung TDG awww lang,lahat ng hirit dun may kurot sa puso ang ganda tlga,kumbaga ung kwento mulat na mulat sa reality...sobrang naappreciate ko po ung mga characters...then nung nabasa ko ung IIF nyo grabeee,napa wow ako kasi highschool themed ung story,sobrang ang laking paalala na napakasarap maging highschool...sana po maipost na ung This might end up a story,naeexcite na kong basahin sya..goodluck ms.leng,sana po makabalik na po ulit kayo sa pagsusulat..i love you ms.leng..

    ReplyDelete
  56. Hello!! favor naman pwde ko bang malaman yung mga title ng kanta dun sa The Despicable Guy. Thank you =)

    ReplyDelete
  57. sana po ms. leng makapag send ka din sakin ng softcopy ng the despicable guy book1&2 pleaseeeee.... kahit book2 ok naq.,nung nabasaq yung book1 nito hinanap q agad sa wattpad pero hindi xa available :'( huhu sana po mabasa mo yung comment q please please please...joelgladxien@yahoo.com

    ReplyDelete
  58. Hi Ate Leng. Naintindihan ko po kayo. Miss ko na nga po kayo. HIndi naman po ako masyadong active at nagbabasa ng tahimik pero love ko po talaga ang TDG. Eye Opener po kasi at realistic po. HAHA. Happy Vacation po at alam ko po na gusto nyong mas ienjoy ang life sa labas. susuportahan taka. haha. You and your stories will always be in our heart. I hope to see you soon. Enjoy. Always Smile. mwa mwa tsup tsup. Yours Truly, Joanne LIcarte (@Joandaaaaa)-twitter:)

    ReplyDelete
  59. hello po,, Uhm,ask lang po,pano po ba magread/download ng stories sa scribd?? kailangan po ba talaga mgregister as premium user,,?? I super love your work po talaga, help naman po I really want to finish reading TDG,,I've read the 1 and 2 book and I really want to read the special chapter and the 2 remaining books but I do'nt have money for that premium registration,,

    Please help po,,

    where can I get a free copy,,

    HELP NAMAN PO

    ReplyDelete
  60. HUWAAAAAAAHHHHHHH SA WAKAS ATE LANG NATAGPUAN NA PO KITA! *sobs* Akala ko po talaga hindi ka nawala ka na ng tuluyan. Nabuhay po katawang-lupa ko sa post na to. XD Sorry po fc msyado. XD Sobrang avid fan niyo lang po tlga ako. Aantayin ko po ang iyong pagbabalik. (Sana po malapet na. XD) Sobrang nalungkot po ako nung nawala yung TDG sa wattpad, akala ko po hindi na kita makikita. Pero sobrang saya ko po tlga ngayon! XD More power to you ate leng! :) GOD BLESS.

    ReplyDelete
  61. hi ate LENG! una sa lahat, 2 months na ako kaka-locate sa yo at panay ang search ko sa tumblr at twitter ng: leng de chavez, leng anne de chavez o kaya shirlengtearjerky at panay naman ang disappointment ko nung mga hastag lang ang lumabas. alam ko na dinelete mo yung mga account po at etc. pero baka kasi may personal account ka pa! at sa facebook naman may nakita ako: shirlengtrjrky yun, kaso naman, sa kasamaang palad, not updated. halos mangiyakngiyak na ako ng mahanap ko to at yung lengsungit. nabasa ko na ang TDG1,( last year pa) TDG2, AFTER HOURS, SPECIAL CHAPTERS, AFTER AFTER ALL, ATOM AND MARA, AT YOU WONT HEAR ME CRY at napanood na ang IF I FALL.... kanina natapos lang ako sa battle of the exes pero hindi pa tapos yung story kasi di pa siya updated. nabasa ko yun sa : LENGSUNGIT. ate sana po magkaroon na ng update sa Battle of the Exes at iba pa dahil mahal na mAhal ko stories ninyo! I AM LOOKING FORWARD FOR NEW UPDATES AS WELL AS FURTHER ANNOUNCEMENTS REGARDING THE STORIES. sana po kung nag-update kayo dito or kung hindi man dito, masabihan niyo kami. PLEASE REPLY PO KUNG MAY TIME:))

    ReplyDelete
  62. Hello po Ate Leng! Grabey!!!!!!! So thankful nagbalik ka! :)))
    Sobrang inspired na inspired ako sa Despicable Guy! As in! Haha. Bakit? Alam mo ba kasi parang si Kevin ung Bf ko eh. Yes. Lagi rin kaming nagmumurahan XD kaya pumatok skin! at ung ibang lines ni Kev? nasabi rin nya.UP Manila sya eh. ComScie! Ako Communication student :))))))))) Pero sbi nga sa TDG. Tayo ang bahala para gawing unique ang love story natin ^^
    RELATE SOBRA!
    K. Feelingera ko Hahaha XD
    Basta I really really love you!
    Grabe Naiyak ako sa AFTER 25 YEARS! As in!!!!!! Aspiring writer din po ako eh. And you are one of my inspiration :) Sana mameet ko kayo in person! :D Keep up the good work! Sana marami pa po kayong maisulat at sana maipublish din sya :)
    God Bless po :) KevJe YEAH! :D

    ReplyDelete
  63. ,.teh Leng pwedeng mag request ng story ni krishna..pretty please..tnx..:D

    ReplyDelete
  64. OMG. Ngayon ko lang 'to nabasa. D:

    Nasa Read Later ko ang If I Fall dahil wala akong time para mabasa yun dahil sobrang busy ang college life. Tapos pagcheck ko ngayon, wala na. D: I hope mabasa ko yun, I was really looking forward to reading it.

    ReplyDelete
  65. yes!thnk u! ur back!ansya!:D

    ReplyDelete
  66. ate leng pwede po bang humingi po ng soft copy po ng story nyo po sa ibang link po kasi po may bayad na po ung sa binigay nyung pong link ee di ko naman po afford ung ganun kamahal na bayad. okay lang po kung wala kayong mabigay na soft copy gusto ko lang naman pong mabsa ung mga special parts. thank you po sa pagbasa ng comment ko alam ko po abala na ako sainyo thank you po kasi po kayo ang at ang story nyo po ang inspiration ko

    ReplyDelete
  67. hello po ate leng!! may tendency po bang ma publish ang despicable guy? if mapapublish po iyon.. i'll be the happiest, person for your story is really one of the best story i have read.. hope po ma published siya and please update us po if ma papublish sya.. salamat po :)

    ReplyDelete
  68. hello po! the best po kayo ate leng, i super love your stories especially IIF at TDG.!! idol ko po kaU :)) pede po bng mgtnong? pano po ba mababasa ng buo ung after hours ng TDG? sory po d q mabasa, engot lng. thank you! :DDDD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same :( di ko mabasa kasi bayad e . Wala naman akong ganun na card hehe pls ate lenf help us po na mabasa namin pls. New reader po ako e kakatapos sa tdg 1 &2

      Delete
  69. Hi po ate Leng! :D Uhm, I just wanna say that you're stories (especially TDG) really reaaaally inspire me. And by 'reaaaally' I mean REALLY. Yung tipong dumating sa point na nagustuhan ko yung UPLB dahil sayo. Not to mention na yung nilagay ko sa app form ko na ang magiging course ko if ever sa UPLB ako ay commarts. Yes, feeling Jersey ako. Joke. Pero kidding aside po ate. Na-inspire po talaga ako sa TDG. While I was reading TDG nung summer (wala po akong ibang ginawa kundi basahin yung TDG buong summer lol) natulungan niyo po ako magdecide kung anong course ang dapat kong kunin. Well not really natulungan. I mean yung thought lang (psychology kasi kinuha ko haha). To be honest ate, never in my wildest dream na magugustuhan ko ang UP (dream uni ko kasi ADMU ever since). And another reason is I know na I'm just an average person and I am pretty much aware of my weakness. Meaning I suck at math and physics which are the main contents of UPCAT. Hahahahuhu. Pero after I read TDG, nagustuhan ko na ang UP. Kaya tadah! Despite knowing my weakness, I've decided na why not take the upcat dabahh. Haha kaya tadah! Last June 18 nagpasa ako ng form (mandirigma for a day) and then just last sat nung nagstart ako for review center. Now I'm hoping (as in really reallllyyy hoping) na makapasa ako. So yan. Hahaha ang point ko lang naman kasi talaga dito na you really inspired me. So thank you very much po. God speed ate Leng! :)

    ReplyDelete
  70. Pano po mabasa ang after hors? May bayad n po kasi yung page 2-16 :( helpme po plwase

    ReplyDelete
  71. Hi Ms. Leng. :) Forgive me for too much formality. Di ko lang alam kung pano kayo ia-aproach. :D I'm a guy and I really love your stories. It inspires me to become as hot as Kevin. -_- Kidding. Unfortunately, hindi ko mabasa yung After Hours. Gusto ko sana siyang basahin eh. Haha. Kesa naman nanonood ako ng porn diba? May bayad na yung full, wala naman akong pera. -_- If you have time, please respond. Thanks.

    ReplyDelete
  72. hi po ask ko lang po bakit po bakit hindi pwede mabasa ung TGD Side Story (Atom Santos) at yung After Hours?? *may account naman po ako sa scribd at pina-follow ko po naman kayo* kahit po sa mobile di sya pwede basahin o sa computer!! may read the full version po dun tapos po pagpinindot ko sya may bayad po!! may bayad po ba talaga yun?? kelangan pa po ba talaga magbayad kung gusto ko mabasa yun!! gustong gusto ko po kasi talaga ang The dispicable guy na lahat ng parts at anong may kinalaman sa TGD gusto ko po sana mabasa!! pls. respond po Thanks po sa pagbasa ng concern ko!!

    ReplyDelete
  73. Hello po...isa po akong reader ng mga stories nyo at isa na po dun ang TDG book1 ang gonda..po nakakakilig kevje duo forever hahaha!!!! Pero po bkit ganun d ko po mabasa yung book 2 at mga story din po ng may kinalamn sa TDG hindi ko mabasa nabitin po kac ako sa SC tdg dun po sa line ni jersey "sorry guys i think hindi ko kayang maghintay ng 2 years to answer his proposal" dun po yung last na nabsa ko pnu po ba basahin yung dugtong nya....plss...po gusto ko po tlgang basahin yung kadugtong nya...panu po ba...tsaka po pede po bang papost nmn po yung TDG sa wattpad plsss...po balik na po kayo dun gusto ko po syang isave sa library ko....;) thank you*) i hope po na nabsa nyo tong message ko sa inyo...god bless po...^^

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.